2004 Get-Together
CARLOS P. GARCIA HIGH SCHOOL Class '82
by Grace Lopez
Date:     Wed, 21 Jan 2004 10:29 p.m.
From:    Grace Lopez
Subject: Re: how was the get-together?
To:         Catherine Villamiel
CC:        garcian82

Hi!  Hay naku, ang saya-saya ng get-together!  Grabe!!!  Siguro talagang bitin pa kami sa pagiging bata (or batang isip) kaya kapag nagkasama-sama, ang gugulo.  Mas magulo pa yata kesa nung high school e.  Si June and Lina ang may camera, so pag may pinadala sila, send ko sa iyo happy moments namin.

Ang dumating, si June (Chavez), Beverly (Regio), Eric (Regencia), Eric (Bautista), Manny (Bonife), Lina (Raborar), Emily (Rosales), Edna (Sotomayor), Gani Reyes and me. We we`re trying to contact Allan and Josie (Cruz) pero walang sumasagot.  Sinabihan din nila si Annie Magdael pero busy yata kasi fiesta sa Pandacan e.  We tried to convince Dante (Dalisay) to come kaya lang bantay bata daw siya that day.  Si Arleigh (Magbanua), ayun join siya thru phone patch.  Padala siya nang padala ng load tapos tinatawagan namin siya.  Tapos kinausap niya lahat.  At least ka join siya.  Lu (Lauron) was also trying to call us pero di makaconnect. Sayang.  Ok na rin kahit konti lang kami.  At least puro ka vibes naman lahat ng nanduon so walang na-out of place.

Duon kami kina Lina sa Paco (sa Paz St., dun kasi nakatira yung anak ni Lina, malapit din sa house nila Manny.)  Nagulo nga nang husto ang bahay.  Nagkantahan kami.  As usual, magaling pa rin si Beverly na kumanta.  Pambato pa rin!  Si June mahusay din.  May tinatago pala. Ang daming food.  Grabe saya!!!!  According to June, heaven daw!

10:00 pm sinundo na si June ng sister niya, kasi uwi pa sila ng Laguna.  Tapos about 11 pm nagkayayaan pang magkape sa Roxas Blvd.  Maganda na kasi duon e.  Ang daming tao kahit gabi na.  May sing-along din sa tabi ng dagat.  Ayun pinakanta namin si Beverly.  Hindi naman kami hiniya.  Naka 2 songs pa siya.  Ang gulo nga namin duon.  Gumulo yung place nung dumating kami.  Tapos about 1 am uwian na.  Pero bumalik pa kami sa Paco.  Kasi lahat kami duon sumakay sa Revo ni Butiki. Si Bev lang ang may dalang car.  Sinundo naman ako ng husband ko with the kids (actually kasama pa sila dun sa Roxas Blvd).  Sina Ed and Emily, hinatid ni Butiki sa Pandacan.  Parang bitin pa nga kahit 4pm pa lang nagkita-kita na kami. Parang di pa matapos ang saya.  Kaya lang pauwi na si Lina sa Japan that Sunday kaya kelangan nang tapusin ang kahibangan naming lahat. Back to reality na.

Pogi pa rin si June.  Halos hindi siya tumanda.  Pati si Beverly pogi pa rin (hehe).  Sabi ko nga iba talaga kapag wala pang asawa.  Feeling tuloy namin, ang tataba namin e (or feeling ko lang).  Kainggit sila.  Hindi sila masyadong nagbago ng itsura.  Ewan ko kung kelan uli mauulit yon.  Alam mo naman, mahirap mahagilap yung mga yon.  Puro nasa abroad kasi or busy dito sa kani-kanilang buhay.  Kaya nga kapag ganyang may get-together lagi akong present.  I don`t want to miss the fun.  Kasi talaga namang ang saya, parang feeling high school uli.  Sana magawa na yung picture.  Naka -video rin nga e.  Sana maayos na ni Lina.

O siya, balitaan kita uli kapag merong happenings.  Inggit ka no?  Sige ingat lagi.

Photos courtesy of
June Chavez
Grace Lopez