From: Justina Ariza
Sent: Monday, December 17, 2007
To: garcian82@yahoo.ca
Subject: Re: regarding arleigh pa rin
Original message from Grace Lopez
hello there. simoy pasko na rito. ang sarap ng panahon , malamig ang simoy ng hangin at nakakatipid kame sa kuryente. di na kelangan ng aircon o electric fan kung minsan. di ko lang alam kung magiging masaya pa rin ang pasko sa mga tao dito. alam nyo kkalungkot man ang balitang dala ko, pero kelangan malaman nyo. nung friday nga last week, ayun naconfine na si arleigh sa ust. sabi ng mga doc, ooperahan na siya ng monday. kaso 100 thou or bka mas mataas pa ang hinihingi for the operation. tapos nung nagsipunta na kami dun, edna, emily, beverly, eric bautista and eric r., may tinawagang doc si butike kai may kilala daw siyang surgeon. pinapalipat nga lang siya sa pgh para dun na raw operahan. tinawagan naman ni edna yung pinsan ni gani na taga pgh para maakpagreserve na ng room. kanya kanyang tawagan nga ng mga connections para makatulong maski paano kasi wala naman pera si arli, imagine nung july pa siya naope at halos di nakakapagtrabaho. kaya nagkpag decide na sila arleigh na palipat na nga sa pgh. una malapit yun kesa ust at habol nga na makamura sana umiyak nga si eng kasi touched daw siya sa gestures. sabi nga namin bkit di agad tumawag sa kung kanino man sa amin, nalaman kasi namin nsa ust na siya e. sana nagparamdam siya ng mas maaga. so ayun nga, tanghali ng saturday, sa tulong ni edna at emilly pati na rin nin minyong na pinsan ni gani, nailipat na nga si arleigh sa pgh. kung dun sa ust 4 sila sa room, sa pgh 2 na lang na pasyente s room. nireserve nga siya ni minyong ng private room kaya lang 1,000 yata per day, medyo mahal daw kaya dun na lang sila sa 600 per day. kelangan magtipid kasi madami pa siyang pagkakagastusan talaga e. in pain daw si arleigh according to edna kaya daw di mapakali. di daw malaman kung panong pwesto ang gagawin kasi nga sa pwet yung tumor niya. bandang 4 pm tumawag na yung kaibigan ni butike na doc sa kanya kasi according dun sa mga test results and mga ecg, ultrasound at lahat na yata ng hawak nilang results dun, stage four na raw yata yung cancer ni eng. di nga nila malaman kung paano ipapaalam sa kanya e. si ana nga ni ayaw humarap sa doctor kasi puro nerbiyoso nga sila dun. kaya d na yata muna ipinaalam na ganon na nga lagay niya. anyway ang first priority naman ay maoperahan siya ng guminhawa siya maski paaano. tapos nun titingnan kung gaano na kalaki ang nadamage ng cancer. pati yata liver niya madami na raw bukol e. according to the dok kasi, kung matagal na ito at di nalaman agad kaya malamang kalat na talaga yung cancer cells. wala namang taning na binigay yung doc kasi depende pa rin sa lakas ng katawan ni arli yan. pero he's not giving false hope daw kasi talagang malala na nga. we can only hope and pray for a miracle talaga.
kahapon ng umaga,december 17 inoperahan na rin pala si arli. kala namin tuesday pa maooperahan kasi kulang pa yung blood donors. tawagan nga kami ng tawagan e. kasi 5 thou yata kada bag. according to ana, di na raw maipagdurugtong yung yung dumihan ni eng kasi malala na nga. so lalagyan na siya ng supot sa gilid para dun na siya dudumi at wiwiwi ata. di ko alam tawag dun e. tsaka madami na raw naalis na buko pero marami din ang di na pwedeng alisin lalo na yung sa liver. nakasked rin siya ng 6 chemo therapy na tig 15 thou yata per session.. actually medyo mura yata yung operation niya nasa 60 lang yata dito sa pgh kaya malaki na rin ang natipid nila. problema na lang yang pang chemo niya. kaya i'm asking for your help guys. tulungan naman nyo si arli wawa naman talaga siya.. alam nyo he's so hopeful na gagaling siya kasi pano na nga naman yung mag-ina niya diba. 2nd year high school pa lang si therese. sabi nga niya kahit may supot siya sa gilid basta kaya niya magtatrabaho siya. kakayanin daw niya lahat pati hirap ng chemo therapy basta gagaling lang siya. di naman siya payat. ganon pa rin ang itsura. ewan lang after operation ha. kasi di pa siya pwede kumain. actually puro 2nd hand lang ang details na naikwento ko kasi di na ko uli nakapunta sa hospital to visit arli. 3 days na rin kasing sumasakit tong ulo ko. tapos exams pa ng mga bata this week. buti kung si dindin lang di na kelangan reviewhin, pero si tenten kelangan tutukan at naku pasaway ang mga grades. kaya baka bukas pa ko mkapunta dun. sila edna, everyday andun. update ko uli kayo kung ano na ang latest. kahapon kasi tulog naman daw si arli kaya walang masyadong balita.
o siya, pagdasal natin na kung di man totally gumaling si arli, sana naman humaba pa rin ang buhay niya, madami naman ganong case. sana nga lang wag siyang pahirapan ng sakit niya. and let's all pray for his family para maging matatag sila. and guys, he also needs financial help talaga. ako na ang magkakapal ng mukha to ask for your financial support. maski paano pag pinagsamasama makaka tulong naman siguro. thank you. ingat kayong lahat dyan.
From: Grace Lopez
Sent: Monday, May 5, 2008
To: garcian82@yahoo.ca
Subject: arleigh
hello friends.sad news wala na si arleigh. kaninang umaga siya namatay. nasa ust pa siya ngayon. later siguro lilipat na siya sa paco church kung vacant dun. email ko na lang kayo uli.
From: Lu Lauron
Sent: Saturday, May 10, 2008
To: garcian82@yahoo.ca
Subject: FW: News from Edna
Hello everybody
Thanks for sending the pix Reg, at least ngayon parang nadoon na rin talaga tayo at nakasama sa paghahatid kay Arli, nakita natin kung saan siya huling inihantong and hopefully madalaw siya someday.
Heto naman ang first update na natanggap ko from Edna and there are more coming, marami daw pix at may video pa. Regards to all and thanks again.
Dearest Lu,
Nakakalungkot talaga! katatapos lang ng libing ni Arli ang hirap tanggapin pero we have to because i know its Gods Will na hanggang dito na lang si arli. Ano pa kaya ang pamiya nya. Masaya rin dahil nakapag reunion na naman kami di lang bach 82 kundi ibat ibang batch na rin. Im sure padadalhan ka ni grace ng mga pics ng libing ni arli. Nakauwi rin si lina kaya icecelebrate pa rin namin ang kanyang belated bday. After libing namasyal ng konti sa da fort at nag coffee at donut kame tom mag su swimming naman sa multi walang humpay na kwen2han tawanan at laitan syempre kasama ang aming pami pamilya. Kelan ka kaya makaka join sa amin? Palaging me bakanteng place 4 u at 2 na kayo ni arli ngayon dahil wala na siya but si arli palaging me representative ang mag ina niya. kundi nga sila nagluluksa pa eh di kasama na namin sila sa mga happenings. Lu we really miss you! Kelan tayo chat? sched mo kase mag oovernite ako kla grace para mahaba at di ako ma curfew at habulin pa ng aso. Kung kelan medyo bakante ang sched mo i know isa kang kuratcha i mean ang babaeng walang pahinga. Before anything else let me greet you a Happy Mothers Day to you and to all the mothers out there. To Nanay, to ur sis in law. Happy Moms Day sa ating mga SUPERMOM! Thanks Lu sa pag extend ng help mo kay arli. Wag k masyadong ma depressed at malungkot diyan kase di ka namin agad mapapatawa gaya ng ginagawa nila sa akin ngayon. Hanggang sa libing super iyak ako pero binuhat ako ni iking at ihahakbang daw ako sa coffin ni arli at sumigundo pa ang nanay ng bayan na si aling minyang, wag daw pasayarin ang paa ko. Haay! at leasst si arli nasa place na kung saan wala ng problems, no more pain, at tahimik na. kaya lang bawal ang me sumunod kailangan daw sa matagal na panahon pa kase marami pa tayong mission unaccomplish d b?
Up 2 here na lang mna at i hope marami pang chika sa iyo si gracia. Ingat ka diyan balita ko palagi rin kayong injury at me sakit. Naku ha ang mga super moms di pwedeng magkasakit. Ok? Love you Lu!
Always,
EDNA